Sunday, December 07, 2008

Viernes

isang gabi sa oval ako ay naglalakad, patungo sa bahay matapos ang isang nakakapagod na araw. nakatingin sa daan, nagdaramdam. ang buhay nga naman, ibang klase talaga. kahit inaasahan ang maaaring ihatid nito, di pa rin naiintindihan kung paano ba talaga ang takbo ng buhay. kahit ilang tao pa magsabi ng ang buhay ay parang gulong, di pa rin maipaliwanag ang ikot nito para lubusang maintindihan ang takbo nito. 

lumipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating ang Carillon Tower, nasa bandang kanan. maliwanag ang lugar, masarap titigan. napatingin sa kaliwa, aba naman, may mas maganda palang tingnan. foreign-jer na nagdaraan. anak ng dayuhan, ang ganda ng katawan. perpekto ang hugis, kaakit-akit ang mga binti, nakakabighaning mukha. isang maalindog na nilalang. naisip ko, magjogging din kaya ako? masyado akong tamad kaya naisip na maupo na lang at antayin sya dumaan ulit. makikinig na rin ako sa mga kanta na nasa cellphone ko habang nag-aantay sa kanyang pagdaan ulit. devil wears prada OST.

inalala ko ang mukha ng mga nagdaraan para malaman kung nakaikot na sila o hindi. may tatlong babae pa ang tumambay at nag-stretching sa harap ng aking inuupuan. gusto ko sabihin na "alis dyan" dahil tinatakpan ang aking paningin sa mga nagdaraan. lumipas ang kalahating oras nakakita ng mga pamilyar na mukha. nakaikot na ang iba, bakit wala pa rin ang magandang babae na nakita kanina. lumipas pa ang ilang minuto, suko na ko. di na sya babalik. baka nag-iba ng ruta. baka umuwi na. sana lang di ako namalikmata. dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kaunting saya at napawi sandali ang mabigat na iniisip. hay ang buhay nga naman, malabo. tambay na lang sa waiting shed at makasakay na lang ng jeep pauwi.  

Tuesday, July 15, 2008

mababaon sa limot

sa dami ng kailangan gawin, dumami din ang natambak na iba pang gawain. mga libro na nasimulan basahin ngunit di pa natatapos. mga bagay na nakakalat na sana ay aayusin. mga babasahin sa eskwela na nakaplanong aaralin. mga sirang gamit na maari pang kumpunihin. mga materyales at bagay na sana ay bibilhin. kahit perang nakalaan sa ibang bagay ay nagamit na din sa mga bagay na mas kailangan. mabilis pa din ang takbo ng buhay at ipinamukmukha na masyado pa akong mabagal para makasabay. habang dumadami ang mga bagay na mukhang mababaon sa limot. may mga bagay na maari pang balikan, may ilan na hindi na. kailangan na lang tanggapin na may mga bagay na talagang napaglilipasan ng panahon at hindi na maaring balikan. tama lang siguro na mabaon sa limot ang ilan sa mga ito dahil pabigat na lamang ang tanging silbi nito.

ganun din ang ibang aspeto ng buhay. may kailangang bitiwan, may kailangang itago. pag nagkamali sa pinili, maaring pagsisihan o kaya ay panindigan na lamang. kahit anong mangyari, di ka maaring huminto. pipilitin kang pumili at sumabay sa takbo ng buhay. madadapa at madadapa, babangon ng babangon. liilingon-lingon kung saan na tutungo. di maaring maupo at magmunii-muni. pwera na lang kung gusto mong mapag-iwanan at mabaon na din sa limot.

Friday, January 18, 2008

Tatlong Tanong

San yung Matalino Street?

City Hall na ba ito?

Anong oras ang bukas nito?