isang gabi sa oval ako ay naglalakad, patungo sa bahay matapos ang isang nakakapagod na araw. nakatingin sa daan, nagdaramdam. ang buhay nga naman, ibang klase talaga. kahit inaasahan ang maaaring ihatid nito, di pa rin naiintindihan kung paano ba talaga ang takbo ng buhay. kahit ilang tao pa magsabi ng ang buhay ay parang gulong, di pa rin maipaliwanag ang ikot nito para lubusang maintindihan ang takbo nito.
lumipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating ang Carillon Tower, nasa bandang kanan. maliwanag ang lugar, masarap titigan. napatingin sa kaliwa, aba naman, may mas maganda palang tingnan. foreign-jer na nagdaraan. anak ng dayuhan, ang ganda ng katawan. perpekto ang hugis, kaakit-akit ang mga binti, nakakabighaning mukha. isang maalindog na nilalang. naisip ko, magjogging din kaya ako? masyado akong tamad kaya naisip na maupo na lang at antayin sya dumaan ulit. makikinig na rin ako sa mga kanta na nasa cellphone ko habang nag-aantay sa kanyang pagdaan ulit. devil wears prada OST.
inalala ko ang mukha ng mga nagdaraan para malaman kung nakaikot na sila o hindi. may tatlong babae pa ang tumambay at nag-stretching sa harap ng aking inuupuan. gusto ko sabihin na "alis dyan" dahil tinatakpan ang aking paningin sa mga nagdaraan. lumipas ang kalahating oras nakakita ng mga pamilyar na mukha. nakaikot na ang iba, bakit wala pa rin ang magandang babae na nakita kanina. lumipas pa ang ilang minuto, suko na ko. di na sya babalik. baka nag-iba ng ruta. baka umuwi na. sana lang di ako namalikmata. dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kaunting saya at napawi sandali ang mabigat na iniisip. hay ang buhay nga naman, malabo. tambay na lang sa waiting shed at makasakay na lang ng jeep pauwi.