Wednesday, January 31, 2007

Perwisyong Trapik!

Trapik na buhol buhol! Oras mo'y magagahol! Yun ba lyrics nung kantang nauso nung dekada nubenta? tama ba nubenta? ah basta...

kahapon, pauwi galing sa unibersidad sa diliman, mga bandang tanghaling tapat, naipit na naman sa trapik sa tapat ng Quezon City Hall. Mula nung sinimulan yung konstruksyon sa tapat ng city hall, lagi nang usad pagong ang takbo ng mga sasakyan. hanggang kailan ba naman yan!

at pagdating naman sa Kalayaan Avenue, anak ng tinapa, trapik na naman! may pulis na nga na nagsisilbing trapik enporser, buhol buhol pa din! may traysikel pang sumisingit sa gitna!

malas naman yung sasakyan na mukhang may sakay na kailangang dalhin sa ospital. busina sya ng busina, kumukutikutitap pa ang mga hazard lights. ngunit kahit ganoon, di pa din sya pinapasingit ng mga sasakyan. hinarangan pa ng traysikel. at nung nakalusot na sya, akala diretso na ospital ng walang problema. anak ng tinapa, obstacle course pala ang nadaanan. kasi trapik din pala pagdating sa may bandang Mcdo at Sulo Hotel. Tanaw mo na ang Heart Center, kaya lang, sangkatutak na busina muna bago ka makalagpas sa mga sasakyang walang pakialam kung may sakay kang nag-aagaw buhay. hay naku ewan. nakita ko din pala ang isang Akbayan representative sa may harap ng Alex Grill III, hawak ang kanyang cellphone, baka kinokontak ang sasakyang susundo sa kanya. ewan ko lang kung napansin nya yung sasakyan na nagmamadali makarating sa ospital.

at pano ko nakita ang lahat ng iyon? naglakad ako! mas mabilis pa maglakad kaysa sumakay sa sasakyan na naipit sa trapik.

Thursday, January 11, 2007

Tinamaan ng Lintik

Anak ng Tinapa!!!

Sino ba nagsabi ng "lightning strikes twice"?

Natawag ng dalawang beses sa dalwang klase sa isang araw. Lintik naman o. Di pa nga sigurado kung natawag talaga sa una, dahil ta-tanga-tanga na naman. Tumingin lang sa direksyon kung saan nakaupo, naisip na agad na tatawagin. Hala, sige tayo. May sagot ba na masasabi? Wala naman. Buti kahit papaano, may nasabi na di maituturing na walang bahid ng talino. Kahit papaano, ang sagot ay may kahulugan. Di nga lang nasapul ang inaasinta.

Tulog sa kalagitnaan ng dalawang klase, aral ng kaunti.

Ayun, natawag ulit, hirit pa, nakita din kita! Anak ng tipaklong naman o, kampante na ligtas na, parang may suot na agimat para di tablan ng bala. Buti na lang, buti na lang, may kampana ang eskwela. At sa pagtunog na ito ang katanungan na maituturing na musika sa tenga..."will you continue next meeting?" Aba, syempre.

At tulad ng aking laging sinasabi at pinapaniwalaan nung hayskul:
vivir esta noche, para morir maƱana