Thursday, January 11, 2007

Tinamaan ng Lintik

Anak ng Tinapa!!!

Sino ba nagsabi ng "lightning strikes twice"?

Natawag ng dalawang beses sa dalwang klase sa isang araw. Lintik naman o. Di pa nga sigurado kung natawag talaga sa una, dahil ta-tanga-tanga na naman. Tumingin lang sa direksyon kung saan nakaupo, naisip na agad na tatawagin. Hala, sige tayo. May sagot ba na masasabi? Wala naman. Buti kahit papaano, may nasabi na di maituturing na walang bahid ng talino. Kahit papaano, ang sagot ay may kahulugan. Di nga lang nasapul ang inaasinta.

Tulog sa kalagitnaan ng dalawang klase, aral ng kaunti.

Ayun, natawag ulit, hirit pa, nakita din kita! Anak ng tipaklong naman o, kampante na ligtas na, parang may suot na agimat para di tablan ng bala. Buti na lang, buti na lang, may kampana ang eskwela. At sa pagtunog na ito ang katanungan na maituturing na musika sa tenga..."will you continue next meeting?" Aba, syempre.

At tulad ng aking laging sinasabi at pinapaniwalaan nung hayskul:
vivir esta noche, para morir maƱana

No comments: