Wednesday, August 15, 2007

isang biyernes ng umaga

isang biyernes ng umaga, ako ay napasakay sa isang jeep na puno ng koreano at nagkataon na katabi ko ang isa. at ako ay kanyang kinausap at ito ang sabi sa akin"

hi. may i know your name?

syempre sagot naman ako. una, puyat ako at pangawala, ang aga-aga kaya di ako ganun ka-alerto.

can i have your email and cellphone number?

hala, sige, binigay naman. wala naman sigurong masama na mangyayari kung ibigay ko yun. sa katunayan wala ngang nangyari. di ko na narinig ulit kung ano nangyari sa mga koreanong to.

you can have my pen, as a souvenir.

salamat ha. wala nga tinta eh. kailangan ko pa gamitin sarili kong ballpen. sinoli ko kasi wala ngang tinta tapos ibibigay mo sa akin as souvenir. wow.

do you know jesus christ?

bang. alam ko na kung san pupunta to lahat. ha! kung alam lang nila, di sila magtatangka kausapin ako. napansin din siguro nila ang marka ng demonyo.

isang gabi habang ako ay pauwi

manong tsuper: "tinutukan ako ng baril"

misis ni manong tsuper: "ha! napa-away na naman ba yung barker nyo sa may esem? sabi ko naman sayo na wag ka na makikisawsaw sa awayan ng mga yun"

manong tsuper: "hindi. walang kinalaman yung barker sa nangyari kanina. ewan. minalas lang siguro ako at nakasabay ko sa daan yung mga tarantadong iyon"

misis: "ha? eh sino...ano ba nangyari?"

manong: "pabalik na kami sa UP nun eh. nasa may bandang veterans na kami nang may sasakyan sa likod na gusto sumingit. busina nga ng busina. eh di ko pinasingit kasi mukhang di naman emergency. tapos nung nakaliko na ko sa agham, hinarang ako ng isa pang sasakyan. kasamahan pala nung sasakyan sa likod na gusto sumingit. tapos yun, pumwesto sa gilid yung sasakyan na di ko pinasingit. binaba yung bintana at yun, tinutukan ako ng baril."

misis: "buti ganun lang at wala nang mas masama pang nangyari"

manong: "yun nga din naisip ko. buti ganun lang. pero naisip ko, kayang-kaya ako tuluyan ng mga yun. isang kalabit lang tapos sabay takas na. sobrang delikado na nga talaga ng panahon natin ngayon. at baka mga may kapangyarihan pa yung mga ulol na yun kaya di sila makukulong kahit mahuli sila. kaya kahit natutukan ako, kung tutuusin, swerte pa din talaga at hanggang dun lang."