isang biyernes ng umaga, ako ay napasakay sa isang jeep na puno ng koreano at nagkataon na katabi ko ang isa. at ako ay kanyang kinausap at ito ang sabi sa akin"
hi. may i know your name?
syempre sagot naman ako. una, puyat ako at pangawala, ang aga-aga kaya di ako ganun ka-alerto.
can i have your email and cellphone number?
hala, sige, binigay naman. wala naman sigurong masama na mangyayari kung ibigay ko yun. sa katunayan wala ngang nangyari. di ko na narinig ulit kung ano nangyari sa mga koreanong to.
you can have my pen, as a souvenir.
salamat ha. wala nga tinta eh. kailangan ko pa gamitin sarili kong ballpen. sinoli ko kasi wala ngang tinta tapos ibibigay mo sa akin as souvenir. wow.
do you know jesus christ?
bang. alam ko na kung san pupunta to lahat. ha! kung alam lang nila, di sila magtatangka kausapin ako. napansin din siguro nila ang marka ng demonyo.
No comments:
Post a Comment