"talaga? namimiss mo ko? sinasabi mo lang yata yan eh?"
"namimiss kita lagi. pramis"
"namimiss mo na halik ko noh?"
bakit ganun? balik sa dating gawi pero parang nagbago na. ngayon, tinatablan na ko. nagsisimula na ko malito kung bola lang ba o seryoso na. kailangan ko nang lumayo at itigil na itong kalokohan na ito habang kaya ko pa.
Sino nga ba si Estong? Ewan ko. Basta ang alam ko, malabo ang mundo at magulo ang utak ko. At ako si Estong.
Tuesday, December 22, 2009
Sunday, December 06, 2009
ay bitin!
"uuuuy, nami-miss nya na ko. ayaw pa umamin"
mukhang tinatablan na ako ng mga pambobola ah. syet. humina na talaga ang depensa ko sa mga ganito. di na ganun kadali na hayaan na wala lang. mukhang nakakarma na ko. haaay. medyo maaga pa para lumayo at biglang maglaho na parang bula pero kailangan na. bakit kasi ngayon lang kung kailan di na talaga pwede.

Monday, November 30, 2009
makapagpagawa nga ng tshirt
pwede bang tawagin na lang kitang mcdo? masyado naman kasing obvious pag sinabi kong love ko to.
bulag: ikaw
tanga: ako
sayang: tayo
haaay. mapapagalitan na naman ako
bulag: ikaw
tanga: ako
sayang: tayo
haaay. mapapagalitan na naman ako
Sunday, November 29, 2009
tampururot
"ay, nagtampo ang bata"
haay. likas lang talaga ako matampuhin. kahit maliit na bagay, pwedeng pagmulan ng tampo. sobrang matampuhin na minsan sinusubukan pigilan mangyari ang mga bagay na pwede pag-ugatan nito. para lang wag magtampo. bakit kamo di ako nagtetext tanong nya. sabi ko kasi pag di ka nagreply, magtatampo ako agad. kahit papaano di ka matampuhin kaya ikaw na lang ang di makakatanggap ng text kaysa ako ang di makatanggap. haay. matampuhing bata.

kausapin ang sarili para malaman ang sagot sa tanong mo - bertong badtrip
estong: pagkatapos ng tatlong buwan, ako'y sawa na naman. ngayo'y naghahanap ng bago at naiiba. ganito na lang ba lagi? pipilitin na makuntento sa hindi seryoso? at pag sawa na, bigla na lang hihinto at di na magpaparamdam?
ito ang sagot sa aking tanong:
aking sarili: nung nakaraang taon, ang sitwasyon natin ay di naiiba sa ngayon. umaangal ka ba? hindi. kuntento ka naman noon. nung nalaman mo na may gusto ka sa kanya, sabi mo tingin mo mas maganda kung magkaroon naman ng pagseseryoso sa ganitong klaseng relasyon. kinulit mo kami na pagbigyan ka. tutol ako dahil alam ko kung saan babagsak ang lahat. pero ikaw umasa na mali ako at tama ka. sabi ko sayo bahala ka pero pag tama ako, mananahimik ka na at ibabalik natin sa dating plano, sa dating buhay na tingin ko ay akma sa atin. pumayag ka. ito ang kasunduan natin. pinagbigyan ka at hinayaan kang magkagusto sa kanya. aaminin ko na naging masaya din ako pero sa huli, anong nangyari? mali ka, tama ako. nasaktan tayo. at ngayon naibalik ko na sa dati ang buhay natin, aangal ka na gusto mo sya balikan? ang usapan ay mananahimik ka na. wala sa kasunduan natin ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. tanggapin mo na lang na ito ang nararapat sa atin. hinding hindi mangyayari ang gusto mo. alam mo na gagawin ko ang lahat para pigilan ka. kahit gaano mo sya kagusto, hindi na kita hahayaan na idamay pa kami. di na kami maniniwala kailanman sa seryosong relasyon. tama ako at mali ka. bukod pa dun, nag-iisa ka na at walang nang maniniwala sa gusto mo mangyari estong. pasensya ka na, ikaw na puso ang pinaiiral sa isang pagkatao na utak lamang ang nasusunod. kaya huwag ka nang manggulo at magtanong. ang pagiging tunay na masaya ay di para sa lahat. makuntento ka sa kapiranggot na aliw na natatamo mo.
hayaan mo, lilipas ang ilang buwan o kaya taon, mawawala ka at sa wakas di mo na mararamdaman ang nararamdaman mo ngayon. dahil napag-isip-isip ko, nabuo ka dahil sa kanya. nabuo ka nung kayo ay naglakad galing sa area. nabuo ka ng nagkaroon ng pakiramdam ang pagkataong iyong ginagalawan. at ngayon na wala ka nang pag-asa sa kanya, ano pa ang silbi mo? tingin ko oras na para mawala ka na din tulad nya. si banjo na ang magtutuloy ng ginagawa mo. kahit papaano, natutuwa sya sa ganitong buhay. di tulad mo na naghahangad pa ng mas masaya at mas magandang uri ng relasyon.
estong: haay. sige na. tutupad na sa usapan at maghihintay na mawala at mapalitan. hindi talaga para sa akin ang ganitong buhay

Monday, November 23, 2009
hala sige banat
tahimik na nagtatrabaho ng biglang tumunog ang cellphone. may tumatawag. di kilala ang numero. sinagot para malaman at tinanong, "sino to?" nagpakilala ang tumatawag at humirit, "miss na kita, di mo ba ko nami-miss? bakit di mo ko tinetext?"
anak ng. sige lang, hirit ka lang ng ganyan. kahit araw-arawin pa ang pambobola, di na ko tatablan. di man ako kasing manhid noon, natuto na ko. ayoko na. di na ko matitinag, di na magbabago isip ko.

Thursday, November 05, 2009
nakakahilo ang mapaikot
"siguro magaling ka sumayaw"
"ikaw lang talaga ang niyaya ko, wala nang iba. pramis"
"gusto mo ihatid kita?"
hay naku. bilog na ang mundo, di mo na kailangan bilugin pa ang utak ko. kung ako nga di nambobola, bakit naman ako tatablan ng pambobola ng iba? pasensya na pero huli ka na. wala na akong tiwala kahit kanino at ayoko na talaga.

Friday, October 30, 2009
pampagising
haay, kahit sa panaginip, di matakasan...
pagkatapos kong pilit takpan ka ng ibang tao na mas gusto kong makausap sa panaginip, nagawa pa ding lumapit at kausapin ako...
yokonakitamakita: tell me now.
estong: huh? sorry, wala ako naiintindihan (sabay tingin sa dyaryo na pilit binabasa)
yokonakitamakita: tell me now how you feel. one day opportunity lang ito.
estong: di naman nagbago eh.
at ako'y biglang gumising. walang saysay ipagpatuloy ang panaginip. may trabaho pa kong kailangan asikasuhin. masasayang lang ang mga minuto kung itutuloy ko pa ang pagtulog.

Sunday, August 30, 2009
yokonakitangmakita
"iniiwasan kong isipin ka
iniiwasan kong makita ka
iniiwasan kong tawagan ka
iniiwasan kong habulin ka
ano kaya ang iisipin mo
kung one day bigla lang nagtagpo tayo
alam kong dati ka nang masaya
ngunit ang problema ay ako di pa."
ang labo. pumasok ako sa opisina ng linggo. nakabukas ang TV, nasa channel 7. ang programa ay yung Tatakbo Ka Ba event yata ng GMA. tumugtog ang itchyworms. at ito ang kanta. iniisip ko, ano ang kuneksyon sa darating na halalan? meron ba? o wala lang talaga? sumakit lang ang tyan ko at nahilo dahil sa gutom.

Thursday, May 28, 2009
ewan ko sayo
bakit ba ako natatakot na mahulog ang loob mo sa akin? eh baka kasi pag nahulog ka, baka di kita masalo. at natatakot din ako na baka akala ko kaya kitang saluhin pero di pala. kung mahulog ka at di kita masalo, pareho lang tayo masasaktan di ba?
baka naman nagpapalusot lang ako? o natatakot na maghintay ako na saluhin ka pero di ka naman talaga mahuhulog kailanman...ewan ko sayo estong! ang dami mong palusot. takot ka na kung takot, hahayaan mo na lang ba na ganun?

sore eyes
grabe, ang sakit na ng mata ko! napapagod na ko sa kakatingin! - estong hirit - march 14, 2009
mahirap pala kung hanggang tingin lang ang kaya, sasakit din ang mata. kasi di naman mata ang pinapairal pag gusto mo ang isang tao. di pwde na hanggang tingin lang. hay estong, hanggang kailan ka ba na ganito?

unfair!
bakit ganun? ang alam ko, pag mahal mo ang isang tao, sya ang laman ng puso mo. ganun ba kita kamahal? kasi di ka na magkasya sa puso ko, pati sa isip ko ikaw ang laman. ganun siguro pag mahal na mahal mo ang isang tao, laman ng puso at isipan. nakakapagod pala. totoo pala yun? syet! buti na lang walang mahal na mahal na mahal...saan ka pa sisiksik pag nagkataon? sinakop mo na siguro pagkatao ko nun. wala nang natira sa akin. unfair naman nun. - estong vladivostok
Saturday, May 23, 2009
Aray! ang sakit!
nung sinabi ko na handa akong masaktan, ibig kong sabihin handa kong tiisin ang sakit ng pagkapaso. handa kong kayanin ang hapdi. di ibig sabihin na handa ako na ilublob ang sarili ko sa kumukulong mantika. bakit ko naman gagawin yun? masokista ako, hindi tanga.
Saturday, April 18, 2009
that itchyworms song
Gusto ko lamang sa buhay ay…
Gusto ko lamang sa buhay ay murang gasolina
Gusto ko lamang sa buhay yung magswimming sa beach ng matagal na matagal
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Ang dami ko pang sinabi
Tungkol sa aking sarili
Lahat ng yun ‘di na bale
Ikaw lang ang importante
Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig

Subscribe to:
Posts (Atom)