estong: pagkatapos ng tatlong buwan, ako'y sawa na naman. ngayo'y naghahanap ng bago at naiiba. ganito na lang ba lagi? pipilitin na makuntento sa hindi seryoso? at pag sawa na, bigla na lang hihinto at di na magpaparamdam?
ito ang sagot sa aking tanong:
aking sarili: nung nakaraang taon, ang sitwasyon natin ay di naiiba sa ngayon. umaangal ka ba? hindi. kuntento ka naman noon. nung nalaman mo na may gusto ka sa kanya, sabi mo tingin mo mas maganda kung magkaroon naman ng pagseseryoso sa ganitong klaseng relasyon. kinulit mo kami na pagbigyan ka. tutol ako dahil alam ko kung saan babagsak ang lahat. pero ikaw umasa na mali ako at tama ka. sabi ko sayo bahala ka pero pag tama ako, mananahimik ka na at ibabalik natin sa dating plano, sa dating buhay na tingin ko ay akma sa atin. pumayag ka. ito ang kasunduan natin. pinagbigyan ka at hinayaan kang magkagusto sa kanya. aaminin ko na naging masaya din ako pero sa huli, anong nangyari? mali ka, tama ako. nasaktan tayo. at ngayon naibalik ko na sa dati ang buhay natin, aangal ka na gusto mo sya balikan? ang usapan ay mananahimik ka na. wala sa kasunduan natin ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. tanggapin mo na lang na ito ang nararapat sa atin. hinding hindi mangyayari ang gusto mo. alam mo na gagawin ko ang lahat para pigilan ka. kahit gaano mo sya kagusto, hindi na kita hahayaan na idamay pa kami. di na kami maniniwala kailanman sa seryosong relasyon. tama ako at mali ka. bukod pa dun, nag-iisa ka na at walang nang maniniwala sa gusto mo mangyari estong. pasensya ka na, ikaw na puso ang pinaiiral sa isang pagkatao na utak lamang ang nasusunod. kaya huwag ka nang manggulo at magtanong. ang pagiging tunay na masaya ay di para sa lahat. makuntento ka sa kapiranggot na aliw na natatamo mo.
hayaan mo, lilipas ang ilang buwan o kaya taon, mawawala ka at sa wakas di mo na mararamdaman ang nararamdaman mo ngayon. dahil napag-isip-isip ko, nabuo ka dahil sa kanya. nabuo ka nung kayo ay naglakad galing sa area. nabuo ka ng nagkaroon ng pakiramdam ang pagkataong iyong ginagalawan. at ngayon na wala ka nang pag-asa sa kanya, ano pa ang silbi mo? tingin ko oras na para mawala ka na din tulad nya. si banjo na ang magtutuloy ng ginagawa mo. kahit papaano, natutuwa sya sa ganitong buhay. di tulad mo na naghahangad pa ng mas masaya at mas magandang uri ng relasyon.
estong: haay. sige na. tutupad na sa usapan at maghihintay na mawala at mapalitan. hindi talaga para sa akin ang ganitong buhay
No comments:
Post a Comment