Sino nga ba si Estong? Ewan ko. Basta ang alam ko, malabo ang mundo at magulo ang utak ko. At ako si Estong.
Thursday, January 26, 2006
Is.Aw. ver 1.0
gising...syet ang lamig...bangon...labas ng kwarto...lakad ng kaunti, paikot-ikot...timpla ng mainit na milo...lakad pa ulit...nahilo at sinuka ang ininom...upo sandali...syet ang lamig...sipilyo, ligo, bihis...lakad papuntang east avenue, sa may bandang SSS upang mag-abang ng UP Campus na jeep...sakay, baba sa Malcolm...sarado pa ang room, tae talaga...basa ng mga kaso...syet, pagod na ako...pasok sa room, upo, basa ulit ng kaso, lintik na buhay to...pasok si mellow, nag-attendance, "last one please"...."gentleman", "sir!"..."in connally...ummm"..."i thought you were prepared", "im prepared for the equal protection part sir", "then you shouldn't have raised your hand, this is not the time to volunteer then, i'll call you again, next a lady"...sabi ko sa sarili ko "Estong, sa susunod wag ka mag-auto pilot, tingan mo, narinig mo lang yung salitang gentleman nag-sir ka agad, napilitan ka tuloy mag taas ng kamay, di mo man lang inisip kung nasaan na yung diskusyon. But then again, ikaw yung nakakarating ng Cubao ng di iniisip na pupunta ka ng Cubao. You contradict Father David's statement that one always thinks before he acts. labo mo talaga, you act before you think"...bad trip, idaan na lang sa tawa...pasensya na, magulo utak ko ngayon, mas magulo sa karaniwang kaguluhan...syet ang lamig...inaantok na ko, alas tres na ko natulog, tagal naman ng lunch break...natapos ang klase, lumabas ng room, bumaba sa cafeteria, kumain ng porkchop...bumalik sa klase at pinikit ang mata, pagod na ko, gusto ko matulog...upo, natulala ng sandali, may inisip...pasok si doro, klase ulit, kainis...syet ang lamig...labas ng room para magpa-init...pasok ulit, nakinig, lumipad ang utak, bumalik ang utak para makinig, in effect, walang acts of lasciviousness, lipad ulit ang utak, nakinig, natawa, ang klase ay natapos na...sa wakas, uwi na naman...tae, umuulan, basta, uwi na ko...syet ang lamig...sakay ng pantranco na jeep, baba ng philcoa, nabasa kahit may payong....sakay ulit ng jeep, baba sa kalayaan, sakay ng tricycle, baba sa tapat ng gray na gate...pasok sa bahay, bihis, tulog...gising...syet ang lamig pa din...kain ng hapunan, hugas ng pinggan, pasok ulit sa kwarto...tumunganga at tumulala...nagbasa ng kaunting kaso, nabwisit, gumawa ng digest...nagcheck ng email, ginawa ito...wakas.
Sunday, January 22, 2006
Unang Hirit
Aba, tingan mo nga naman, nag-ba-blog na ako!
Ngayon pa na marami akong kailangang gawin.
Ang ingay kasi ng aming kapitbahay, ngayong gabi, disco house at videoke.
Kaya't sorry na lang, kung wala sa aking sarili.
Pero di kita mahal, kasi di naman kita kilala.
Labo.
Pero maingay nga talaga ang aming kapitbahay ngayon, kaya gumawa ako ng blog
Para aking maalala ang gabing sila ay nag ingay at di ako makatulog!
Yun lang ba ang aking sasabihin? Yun na ba ang pinakadahilan ng lahat ng ito?
Maglalabas lang ba ako ng hinaing dahil sa kanilang kaingayan at sa perwisyong kanilang hatid?
Sa kanilang pagbulabog sa akin at ako ay kanilang pinigilang malasap ang isang masarap at malamig na gabi?
Madama ang natatanging lambot ng aking kama at unan na aking inaasam-asam pagkatapos ng nakakapagod na araw?
Marahil ang ingay nila ang nagtulak sa kin gawin ito, ngunit hindi ang perwisyo nila ang pinakadahilan ng lahat ng ito
Ano nga ba ang dahilan?
Upang maglabas ng saloobin? Magkwento? Magbahagi ng nilalaman ng aking isipan?
Aba ewan ko, yan ang sagot ko. Sabi nga ng isa sa aking mga law professors "I don't know, why don't you tell me?"
Ganda nya talaga...kaya lang bwisit sya. Pero ok lang, nakabuti din siguro sa kin ang ginawa nya, ang pagbaon sa kin ng buhay.
Ngayon di na ko takot mabaon, at natuto na ko bumangon, at natuto na din ako mag-ingat.
Haay, ang buhay nga naman.
May sarap na di mo maintindihan at may sakit na kailan man ay di ka lulubayan.
Kahit anong pilit timplahin ng mabuti ang lungkot at ligaya, laging sosobra at lagi din na magkukulang.
Ibig sabihin ba ay mas nakatuon sa paghalo at hindi sa hinahalo?
Kulit naman o, di ko nga alam!
Wag mo nang itanong sa akin. Di ko din naman sasabihin. kaya't huwag mo na.
Ang labo talaga. Ah basta. Nakakainis kasi ang ingay pa din ng kapitbahay ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)