Sino nga ba si Estong? Ewan ko. Basta ang alam ko, malabo ang mundo at magulo ang utak ko. At ako si Estong.
Thursday, January 26, 2006
Is.Aw. ver 1.0
gising...syet ang lamig...bangon...labas ng kwarto...lakad ng kaunti, paikot-ikot...timpla ng mainit na milo...lakad pa ulit...nahilo at sinuka ang ininom...upo sandali...syet ang lamig...sipilyo, ligo, bihis...lakad papuntang east avenue, sa may bandang SSS upang mag-abang ng UP Campus na jeep...sakay, baba sa Malcolm...sarado pa ang room, tae talaga...basa ng mga kaso...syet, pagod na ako...pasok sa room, upo, basa ulit ng kaso, lintik na buhay to...pasok si mellow, nag-attendance, "last one please"...."gentleman", "sir!"..."in connally...ummm"..."i thought you were prepared", "im prepared for the equal protection part sir", "then you shouldn't have raised your hand, this is not the time to volunteer then, i'll call you again, next a lady"...sabi ko sa sarili ko "Estong, sa susunod wag ka mag-auto pilot, tingan mo, narinig mo lang yung salitang gentleman nag-sir ka agad, napilitan ka tuloy mag taas ng kamay, di mo man lang inisip kung nasaan na yung diskusyon. But then again, ikaw yung nakakarating ng Cubao ng di iniisip na pupunta ka ng Cubao. You contradict Father David's statement that one always thinks before he acts. labo mo talaga, you act before you think"...bad trip, idaan na lang sa tawa...pasensya na, magulo utak ko ngayon, mas magulo sa karaniwang kaguluhan...syet ang lamig...inaantok na ko, alas tres na ko natulog, tagal naman ng lunch break...natapos ang klase, lumabas ng room, bumaba sa cafeteria, kumain ng porkchop...bumalik sa klase at pinikit ang mata, pagod na ko, gusto ko matulog...upo, natulala ng sandali, may inisip...pasok si doro, klase ulit, kainis...syet ang lamig...labas ng room para magpa-init...pasok ulit, nakinig, lumipad ang utak, bumalik ang utak para makinig, in effect, walang acts of lasciviousness, lipad ulit ang utak, nakinig, natawa, ang klase ay natapos na...sa wakas, uwi na naman...tae, umuulan, basta, uwi na ko...syet ang lamig...sakay ng pantranco na jeep, baba ng philcoa, nabasa kahit may payong....sakay ulit ng jeep, baba sa kalayaan, sakay ng tricycle, baba sa tapat ng gray na gate...pasok sa bahay, bihis, tulog...gising...syet ang lamig pa din...kain ng hapunan, hugas ng pinggan, pasok ulit sa kwarto...tumunganga at tumulala...nagbasa ng kaunting kaso, nabwisit, gumawa ng digest...nagcheck ng email, ginawa ito...wakas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment