Aba, tingan mo nga naman, nag-ba-blog na ako!
Ngayon pa na marami akong kailangang gawin.
Ang ingay kasi ng aming kapitbahay, ngayong gabi, disco house at videoke.
Kaya't sorry na lang, kung wala sa aking sarili.
Pero di kita mahal, kasi di naman kita kilala.
Labo.
Pero maingay nga talaga ang aming kapitbahay ngayon, kaya gumawa ako ng blog
Para aking maalala ang gabing sila ay nag ingay at di ako makatulog!
Yun lang ba ang aking sasabihin? Yun na ba ang pinakadahilan ng lahat ng ito?
Maglalabas lang ba ako ng hinaing dahil sa kanilang kaingayan at sa perwisyong kanilang hatid?
Sa kanilang pagbulabog sa akin at ako ay kanilang pinigilang malasap ang isang masarap at malamig na gabi?
Madama ang natatanging lambot ng aking kama at unan na aking inaasam-asam pagkatapos ng nakakapagod na araw?
Marahil ang ingay nila ang nagtulak sa kin gawin ito, ngunit hindi ang perwisyo nila ang pinakadahilan ng lahat ng ito
Ano nga ba ang dahilan?
Upang maglabas ng saloobin? Magkwento? Magbahagi ng nilalaman ng aking isipan?
Aba ewan ko, yan ang sagot ko. Sabi nga ng isa sa aking mga law professors "I don't know, why don't you tell me?"
Ganda nya talaga...kaya lang bwisit sya. Pero ok lang, nakabuti din siguro sa kin ang ginawa nya, ang pagbaon sa kin ng buhay.
Ngayon di na ko takot mabaon, at natuto na ko bumangon, at natuto na din ako mag-ingat.
Haay, ang buhay nga naman.
May sarap na di mo maintindihan at may sakit na kailan man ay di ka lulubayan.
Kahit anong pilit timplahin ng mabuti ang lungkot at ligaya, laging sosobra at lagi din na magkukulang.
Ibig sabihin ba ay mas nakatuon sa paghalo at hindi sa hinahalo?
Kulit naman o, di ko nga alam!
Wag mo nang itanong sa akin. Di ko din naman sasabihin. kaya't huwag mo na.
Ang labo talaga. Ah basta. Nakakainis kasi ang ingay pa din ng kapitbahay ko.
No comments:
Post a Comment