Tuesday, February 27, 2007

ewan ko ba

haay, estong ang tanga mo talaga. yan na lang lagi ang sabi nila. bakit? lagi ko na lang kasi pinapalampas ang mga bagay na dapat ay di ko na pinakakawalan. nasa harap ko na daw, ang gagawin ko lang ay abutin, at akin na akin na. pero yun nga ang problema. minsan sobrang gusto mo ang isang bagay, parang nabubulag ka na. kaya minsan nagdududa kung ano ba dapat ang gawin. minsan naman, aabutin mo na nga lang, napapaisip pa, oras na ba? gusto ko ba talaga?

kaya ako nagmumukhang engot. kasi nag-iisip ako. nagdadalawang isip ako, gusto ko makasiguro. kahit alam ko na nasa harap ko na ang matagal ko na hinahanap, nakukuha ko pang itanong kung ito ba talaga ang gusto ko mangyari. ayun na eh, ano pa hinihintay ko? totoo bang ito ang gusto ko? kasi ayoko magsisi pagkatapos. pero pano kung yun na nga yun at pinakawalan ko pa, di ba magsisisi din ako? ewan. takot lang ba ako? may tinatakasan? ewan.

sa tuwing ginagawa ko yun, tuwing pinapalampas ko ang pagkakataon, lagi namang tama ang desisyon. nalalaman ko paglipas ng panahon, na kung kinuha ko noon ang pagkakataon, hindi din magtatagal at malalagay ako sa sitwasyong walang pinagkaiba sa sitwasyon ko ngayon. pero kahit ganun kahit papaano naging masaya ako kung di ko pinalampas. tama, pero naging mas miserable din. tipong mas matinding saya at lungkot ang dulot ng pagkakataong yun. kaya kahit papaano, sa pananaw ko, pantay lang. walang dapat pagsisisihan. ganun nga ba? o sinasabi ko lang yun para wag sumama ang loob ko? di ko alam.

No comments: