si estong ay kalbo na. bakit? dahil natakot na maging pangatlong biktima. pano ba nagsimula ang lahat? ganito kasi yun...
mahaba ang buhok, natatakpan mga mata. di pa naman abot balikat ngunit lampas na sa mga tenga. pumasok sa klase, napansin ng propesor. may nag-re-recite. sabi sa estudyante,
"Ms. M, if you can answer my question correctly, then Mr. Estong will cut his hair".
Tumingin, ang propesor sa estudyanteng may mahaba at magulong buhok, at nagtanong
"Do you agree? If Ms. M answers the question correctly, you will have your hair cut?"
Tango si Estong. ano pa ba masasabi, kung umiling baka lumaki lang ang isyu.
Sagot ng propesor, "No, you let it grow, its your personality".
Lumipas ang ilang minuto, di nasagot ni Ms. M ang tanong. Ayos, ligtas ako sa barbero.
Nagkwento ang propesor, may isang beses daw sa interbyu, pumasok ang aplikante, hanggang balikat ang buhok. Sabi nya, di nya iinterbyuhin hanggat di nagpapagupit. ayun, bumalik nung hapon, maikli na ang buhok.
Matapos ang ilang araw, napansin ulit ng propesor ang buhok, tinawag para mag-recite. Ngunit bago sumagot, hiniritan ulit, "Mr. Estong, someone's calling you, do you know who? the barbershop! You're hair is so long its covering your eyes. You know, the faculty has applauded me. why? i was able to make my students cut their hairs. you dont want to become the third victim dont you? i dont know, maybe its my power of suggestion. anyway, going back to the lesson, answer the question..."
mula noon, binibiro na ng mga kaklase na pumunta sa barbero. hirit ni estong, kailangan ba? di naman galit ang propesor, nagkukwento lang. humihirit lang. seryoso ba? sabi ng mga kaklase, baka. minsan, dinadaan kasi sa biro. pero ano ba pwede nya magawa dahil sa buhok na mahaba? wala naman siguro, pero mahirap na magkaroon ng masamang impresyon sa propesor. may punto naman sya, kung titimbangin, "right to a messy hair vs. decent hair", sino ang pipili sa nauna?
sige, pagupit na nga. sayang ang buhok na pinahaba. ayaw man pumunta sa barberya at umupo sa harap ng salamin ng nakatunganga, ano pa magagawa. sige manong, gupitan nyo ko, kalbo ah.
pagbalik sa klase, anak ng tipaklong, hirit ng mga kaklase, "aba, aba, nangangamoy recitation to ah, mukhang magrerecite ng matagal". ano ba naman, nagpagupit na nga, pag-iinitan pa din? sa bagay, wala naman sa buhok yun. kahit noon, lagi na nahihiritan. at yun, natawag nga, pero di para mag-recite, para lang mag-react, sabi ng propesor "Mr. Estong, are you making a statement? did your mother ask you to cut your hair. well, ladies and gentlemen, take a look, here's a new mr. Estong". at pinaupo na pagkatapos. haay salamat.
problema na lang, dahil kalbo na, makikita na di bilog ang ulo, di pantay ang hitsura sa kanan at kaliwa. masasanay din ang mga tao.
No comments:
Post a Comment