Ako si Estong
Sino nga ba si Estong? Ewan ko. Basta ang alam ko, malabo ang mundo at magulo ang utak ko. At ako si Estong.
Thursday, January 10, 2013
got here sooner than expected
Wednesday, September 21, 2011
HIMYM S07E01
Saturday, May 28, 2011
Until tonight do us part
xxx
My words are my faith to hell with our good name. A remix of your guts-your insides X-rayed. And one day we'll get nostalgic for disaster. We're a bull, your ears are just a china shop.
I love you in the same way, there's a chapel in a hospital. One foot in your bedroom and one foot out the door. Sometimes we take chances, sometimes we take pills. I could write it better than you ever felt it.
xxx
I thought I loved you. It was just how you looked in the light.
- Hum Hallelujah (FOB)
Sunday, October 10, 2010
laman ng panaginip
unfinished...most of the time its just too difficult, too expensive, too scary...its only when youve stopped that you realize its hard to start again. so you force yourself not to want it. but its always there. and until you finish it, it will always be... - Ted Mosby
may ilang bagay sa buhay ang akala mo tapos na pero di pa pala. pilit kinukumbinsi ang sarili na wala nang kailangan pang gawin. ngunit minsan, may tamang paraan para tapusin ang ilang mga bagay. at hangga't hindi tinatapos sa wastong paraan, mananatili itong bukas at mananatiling laman ng isipan at kalooban. isang kasinungalingan sa sarili ang basta pagtalikod at pag-iwas ng di hinaharap ng mabuti ang mapait na katotohanan.
Wednesday, August 04, 2010
fall out boy estong
Tuesday, July 06, 2010
Haay. Journey's End. Bow
Winry Rockbell: What is it? Give it to me straight.
Edward Elric: It's Equivalent Exchange!
Winry Rockbell: Huh?
Edward Elric: I'll give you half of my life, so give me half of yours!
Winry Rockbell: (Sigh with facepalm) Geez, why are Alchemists like this? Saying stuff like "Law of Equivalent Exchange...How stupid can you get!?
Edward Elric: What did you say?!
Winry Rockbell: You're an idiot. You want half? I'll give you all of it. [Awkward moment] A-actually, not all of it. Well, 90 percent...actually maybe 80 percent...not 70 percent...how about 85 percent? That's right, i can give you that much
Edward Elric: [Laughs]
Winry Rockbell: What?! Ed!
Edward Elric: Youre incredible, as i thought. You overturned the Law of Equivalent Exchange like it was nothing.
Winry Rockbell: Whats that supposed to mean? Are you making fun of me?
Edward Elric: I'm not. I feel much better now. Thank you. I'll be back
Winry Rockbell: Yup. Take care
[Edward Elric leaves on a train]
Stranger: Oh my, Edward's also gone on a journey? They should stay put a little more.
Winry Rockbell: This is what's best for them. Guys that stay put are boring anyway.
Friday, January 22, 2010
umiling na lang
Wednesday, January 13, 2010
What does the last text message in your inbox say?
haay. ang arte ko kasi. pero aaminin ko, na-touch ako dun ah. kahit maghahating gabi na, nagpaload pa. ang problema ay...pakiramdam ko bola pa din eh. naiintindihan ko na kung bakit may mga babae na mahirap kumbinsihin na nagsasabi ako ng totoo pag may sinasabi ako na gusto ko seryosohin sana.
Tuesday, December 22, 2009
may lamat na ang pader
"namimiss kita lagi. pramis"
"namimiss mo na halik ko noh?"
bakit ganun? balik sa dating gawi pero parang nagbago na. ngayon, tinatablan na ko. nagsisimula na ko malito kung bola lang ba o seryoso na. kailangan ko nang lumayo at itigil na itong kalokohan na ito habang kaya ko pa.
Sunday, December 06, 2009
ay bitin!
mukhang tinatablan na ako ng mga pambobola ah. syet. humina na talaga ang depensa ko sa mga ganito. di na ganun kadali na hayaan na wala lang. mukhang nakakarma na ko. haaay. medyo maaga pa para lumayo at biglang maglaho na parang bula pero kailangan na. bakit kasi ngayon lang kung kailan di na talaga pwede.
Monday, November 30, 2009
makapagpagawa nga ng tshirt
bulag: ikaw
tanga: ako
sayang: tayo
haaay. mapapagalitan na naman ako
Sunday, November 29, 2009
tampururot
haay. likas lang talaga ako matampuhin. kahit maliit na bagay, pwedeng pagmulan ng tampo. sobrang matampuhin na minsan sinusubukan pigilan mangyari ang mga bagay na pwede pag-ugatan nito. para lang wag magtampo. bakit kamo di ako nagtetext tanong nya. sabi ko kasi pag di ka nagreply, magtatampo ako agad. kahit papaano di ka matampuhin kaya ikaw na lang ang di makakatanggap ng text kaysa ako ang di makatanggap. haay. matampuhing bata.
kausapin ang sarili para malaman ang sagot sa tanong mo - bertong badtrip
ito ang sagot sa aking tanong:
aking sarili: nung nakaraang taon, ang sitwasyon natin ay di naiiba sa ngayon. umaangal ka ba? hindi. kuntento ka naman noon. nung nalaman mo na may gusto ka sa kanya, sabi mo tingin mo mas maganda kung magkaroon naman ng pagseseryoso sa ganitong klaseng relasyon. kinulit mo kami na pagbigyan ka. tutol ako dahil alam ko kung saan babagsak ang lahat. pero ikaw umasa na mali ako at tama ka. sabi ko sayo bahala ka pero pag tama ako, mananahimik ka na at ibabalik natin sa dating plano, sa dating buhay na tingin ko ay akma sa atin. pumayag ka. ito ang kasunduan natin. pinagbigyan ka at hinayaan kang magkagusto sa kanya. aaminin ko na naging masaya din ako pero sa huli, anong nangyari? mali ka, tama ako. nasaktan tayo. at ngayon naibalik ko na sa dati ang buhay natin, aangal ka na gusto mo sya balikan? ang usapan ay mananahimik ka na. wala sa kasunduan natin ang magkaroon ng pangalawang pagkakataon. tanggapin mo na lang na ito ang nararapat sa atin. hinding hindi mangyayari ang gusto mo. alam mo na gagawin ko ang lahat para pigilan ka. kahit gaano mo sya kagusto, hindi na kita hahayaan na idamay pa kami. di na kami maniniwala kailanman sa seryosong relasyon. tama ako at mali ka. bukod pa dun, nag-iisa ka na at walang nang maniniwala sa gusto mo mangyari estong. pasensya ka na, ikaw na puso ang pinaiiral sa isang pagkatao na utak lamang ang nasusunod. kaya huwag ka nang manggulo at magtanong. ang pagiging tunay na masaya ay di para sa lahat. makuntento ka sa kapiranggot na aliw na natatamo mo.
hayaan mo, lilipas ang ilang buwan o kaya taon, mawawala ka at sa wakas di mo na mararamdaman ang nararamdaman mo ngayon. dahil napag-isip-isip ko, nabuo ka dahil sa kanya. nabuo ka nung kayo ay naglakad galing sa area. nabuo ka ng nagkaroon ng pakiramdam ang pagkataong iyong ginagalawan. at ngayon na wala ka nang pag-asa sa kanya, ano pa ang silbi mo? tingin ko oras na para mawala ka na din tulad nya. si banjo na ang magtutuloy ng ginagawa mo. kahit papaano, natutuwa sya sa ganitong buhay. di tulad mo na naghahangad pa ng mas masaya at mas magandang uri ng relasyon.
estong: haay. sige na. tutupad na sa usapan at maghihintay na mawala at mapalitan. hindi talaga para sa akin ang ganitong buhay
Monday, November 23, 2009
hala sige banat
anak ng. sige lang, hirit ka lang ng ganyan. kahit araw-arawin pa ang pambobola, di na ko tatablan. di man ako kasing manhid noon, natuto na ko. ayoko na. di na ko matitinag, di na magbabago isip ko.
Thursday, November 05, 2009
nakakahilo ang mapaikot
"ikaw lang talaga ang niyaya ko, wala nang iba. pramis"
"gusto mo ihatid kita?"
hay naku. bilog na ang mundo, di mo na kailangan bilugin pa ang utak ko. kung ako nga di nambobola, bakit naman ako tatablan ng pambobola ng iba? pasensya na pero huli ka na. wala na akong tiwala kahit kanino at ayoko na talaga.
Friday, October 30, 2009
pampagising
pagkatapos kong pilit takpan ka ng ibang tao na mas gusto kong makausap sa panaginip, nagawa pa ding lumapit at kausapin ako...
yokonakitamakita: tell me now.
estong: huh? sorry, wala ako naiintindihan (sabay tingin sa dyaryo na pilit binabasa)
yokonakitamakita: tell me now how you feel. one day opportunity lang ito.
estong: di naman nagbago eh.
at ako'y biglang gumising. walang saysay ipagpatuloy ang panaginip. may trabaho pa kong kailangan asikasuhin. masasayang lang ang mga minuto kung itutuloy ko pa ang pagtulog.
Sunday, August 30, 2009
yokonakitangmakita
iniiwasan kong makita ka
iniiwasan kong tawagan ka
iniiwasan kong habulin ka
ano kaya ang iisipin mo
kung one day bigla lang nagtagpo tayo
alam kong dati ka nang masaya
ngunit ang problema ay ako di pa."
ang labo. pumasok ako sa opisina ng linggo. nakabukas ang TV, nasa channel 7. ang programa ay yung Tatakbo Ka Ba event yata ng GMA. tumugtog ang itchyworms. at ito ang kanta. iniisip ko, ano ang kuneksyon sa darating na halalan? meron ba? o wala lang talaga? sumakit lang ang tyan ko at nahilo dahil sa gutom.
Thursday, May 28, 2009
ewan ko sayo
baka naman nagpapalusot lang ako? o natatakot na maghintay ako na saluhin ka pero di ka naman talaga mahuhulog kailanman...ewan ko sayo estong! ang dami mong palusot. takot ka na kung takot, hahayaan mo na lang ba na ganun?
sore eyes
mahirap pala kung hanggang tingin lang ang kaya, sasakit din ang mata. kasi di naman mata ang pinapairal pag gusto mo ang isang tao. di pwde na hanggang tingin lang. hay estong, hanggang kailan ka ba na ganito?
unfair!
Saturday, May 23, 2009
Aray! ang sakit!
Saturday, April 18, 2009
that itchyworms song
Gusto ko lamang sa buhay ay murang gasolina
Gusto ko lamang sa buhay yung magswimming sa beach ng matagal na matagal
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Ang dami ko pang sinabi
Tungkol sa aking sarili
Lahat ng yun ‘di na bale
Ikaw lang ang importante
Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig
Yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko
Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko
Yakapin mo ako
Feeling ko ang yaman yaman ko
Sunday, December 07, 2008
Viernes
isang gabi sa oval ako ay naglalakad, patungo sa bahay matapos ang isang nakakapagod na araw. nakatingin sa daan, nagdaramdam. ang buhay nga naman, ibang klase talaga. kahit inaasahan ang maaaring ihatid nito, di pa rin naiintindihan kung paano ba talaga ang takbo ng buhay. kahit ilang tao pa magsabi ng ang buhay ay parang gulong, di pa rin maipaliwanag ang ikot nito para lubusang maintindihan ang takbo nito.
lumipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating ang Carillon Tower, nasa bandang kanan. maliwanag ang lugar, masarap titigan. napatingin sa kaliwa, aba naman, may mas maganda palang tingnan. foreign-jer na nagdaraan. anak ng dayuhan, ang ganda ng katawan. perpekto ang hugis, kaakit-akit ang mga binti, nakakabighaning mukha. isang maalindog na nilalang. naisip ko, magjogging din kaya ako? masyado akong tamad kaya naisip na maupo na lang at antayin sya dumaan ulit. makikinig na rin ako sa mga kanta na nasa cellphone ko habang nag-aantay sa kanyang pagdaan ulit. devil wears prada OST.
inalala ko ang mukha ng mga nagdaraan para malaman kung nakaikot na sila o hindi. may tatlong babae pa ang tumambay at nag-stretching sa harap ng aking inuupuan. gusto ko sabihin na "alis dyan" dahil tinatakpan ang aking paningin sa mga nagdaraan. lumipas ang kalahating oras nakakita ng mga pamilyar na mukha. nakaikot na ang iba, bakit wala pa rin ang magandang babae na nakita kanina. lumipas pa ang ilang minuto, suko na ko. di na sya babalik. baka nag-iba ng ruta. baka umuwi na. sana lang di ako namalikmata. dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kaunting saya at napawi sandali ang mabigat na iniisip. hay ang buhay nga naman, malabo. tambay na lang sa waiting shed at makasakay na lang ng jeep pauwi.
Tuesday, July 15, 2008
mababaon sa limot
ganun din ang ibang aspeto ng buhay. may kailangang bitiwan, may kailangang itago. pag nagkamali sa pinili, maaring pagsisihan o kaya ay panindigan na lamang. kahit anong mangyari, di ka maaring huminto. pipilitin kang pumili at sumabay sa takbo ng buhay. madadapa at madadapa, babangon ng babangon. liilingon-lingon kung saan na tutungo. di maaring maupo at magmunii-muni. pwera na lang kung gusto mong mapag-iwanan at mabaon na din sa limot.
Friday, January 18, 2008
Sunday, October 14, 2007
Wednesday, August 15, 2007
isang biyernes ng umaga
hi. may i know your name?
syempre sagot naman ako. una, puyat ako at pangawala, ang aga-aga kaya di ako ganun ka-alerto.
can i have your email and cellphone number?
hala, sige, binigay naman. wala naman sigurong masama na mangyayari kung ibigay ko yun. sa katunayan wala ngang nangyari. di ko na narinig ulit kung ano nangyari sa mga koreanong to.
you can have my pen, as a souvenir.
salamat ha. wala nga tinta eh. kailangan ko pa gamitin sarili kong ballpen. sinoli ko kasi wala ngang tinta tapos ibibigay mo sa akin as souvenir. wow.
do you know jesus christ?
bang. alam ko na kung san pupunta to lahat. ha! kung alam lang nila, di sila magtatangka kausapin ako. napansin din siguro nila ang marka ng demonyo.
isang gabi habang ako ay pauwi
misis ni manong tsuper: "ha! napa-away na naman ba yung barker nyo sa may esem? sabi ko naman sayo na wag ka na makikisawsaw sa awayan ng mga yun"
manong tsuper: "hindi. walang kinalaman yung barker sa nangyari kanina. ewan. minalas lang siguro ako at nakasabay ko sa daan yung mga tarantadong iyon"
misis: "ha? eh sino...ano ba nangyari?"
manong: "pabalik na kami sa UP nun eh. nasa may bandang veterans na kami nang may sasakyan sa likod na gusto sumingit. busina nga ng busina. eh di ko pinasingit kasi mukhang di naman emergency. tapos nung nakaliko na ko sa agham, hinarang ako ng isa pang sasakyan. kasamahan pala nung sasakyan sa likod na gusto sumingit. tapos yun, pumwesto sa gilid yung sasakyan na di ko pinasingit. binaba yung bintana at yun, tinutukan ako ng baril."
misis: "buti ganun lang at wala nang mas masama pang nangyari"
manong: "yun nga din naisip ko. buti ganun lang. pero naisip ko, kayang-kaya ako tuluyan ng mga yun. isang kalabit lang tapos sabay takas na. sobrang delikado na nga talaga ng panahon natin ngayon. at baka mga may kapangyarihan pa yung mga ulol na yun kaya di sila makukulong kahit mahuli sila. kaya kahit natutukan ako, kung tutuusin, swerte pa din talaga at hanggang dun lang."
Wednesday, May 16, 2007
Friday, March 16, 2007
hoy kalbo!
mahaba ang buhok, natatakpan mga mata. di pa naman abot balikat ngunit lampas na sa mga tenga. pumasok sa klase, napansin ng propesor. may nag-re-recite. sabi sa estudyante,
"Ms. M, if you can answer my question correctly, then Mr. Estong will cut his hair".
Tumingin, ang propesor sa estudyanteng may mahaba at magulong buhok, at nagtanong
"Do you agree? If Ms. M answers the question correctly, you will have your hair cut?"
Tango si Estong. ano pa ba masasabi, kung umiling baka lumaki lang ang isyu.
Sagot ng propesor, "No, you let it grow, its your personality".
Lumipas ang ilang minuto, di nasagot ni Ms. M ang tanong. Ayos, ligtas ako sa barbero.
Nagkwento ang propesor, may isang beses daw sa interbyu, pumasok ang aplikante, hanggang balikat ang buhok. Sabi nya, di nya iinterbyuhin hanggat di nagpapagupit. ayun, bumalik nung hapon, maikli na ang buhok.
Matapos ang ilang araw, napansin ulit ng propesor ang buhok, tinawag para mag-recite. Ngunit bago sumagot, hiniritan ulit, "Mr. Estong, someone's calling you, do you know who? the barbershop! You're hair is so long its covering your eyes. You know, the faculty has applauded me. why? i was able to make my students cut their hairs. you dont want to become the third victim dont you? i dont know, maybe its my power of suggestion. anyway, going back to the lesson, answer the question..."
mula noon, binibiro na ng mga kaklase na pumunta sa barbero. hirit ni estong, kailangan ba? di naman galit ang propesor, nagkukwento lang. humihirit lang. seryoso ba? sabi ng mga kaklase, baka. minsan, dinadaan kasi sa biro. pero ano ba pwede nya magawa dahil sa buhok na mahaba? wala naman siguro, pero mahirap na magkaroon ng masamang impresyon sa propesor. may punto naman sya, kung titimbangin, "right to a messy hair vs. decent hair", sino ang pipili sa nauna?
sige, pagupit na nga. sayang ang buhok na pinahaba. ayaw man pumunta sa barberya at umupo sa harap ng salamin ng nakatunganga, ano pa magagawa. sige manong, gupitan nyo ko, kalbo ah.
pagbalik sa klase, anak ng tipaklong, hirit ng mga kaklase, "aba, aba, nangangamoy recitation to ah, mukhang magrerecite ng matagal". ano ba naman, nagpagupit na nga, pag-iinitan pa din? sa bagay, wala naman sa buhok yun. kahit noon, lagi na nahihiritan. at yun, natawag nga, pero di para mag-recite, para lang mag-react, sabi ng propesor "Mr. Estong, are you making a statement? did your mother ask you to cut your hair. well, ladies and gentlemen, take a look, here's a new mr. Estong". at pinaupo na pagkatapos. haay salamat.
problema na lang, dahil kalbo na, makikita na di bilog ang ulo, di pantay ang hitsura sa kanan at kaliwa. masasanay din ang mga tao.
Tuesday, February 27, 2007
ewan ko ba
kaya ako nagmumukhang engot. kasi nag-iisip ako. nagdadalawang isip ako, gusto ko makasiguro. kahit alam ko na nasa harap ko na ang matagal ko na hinahanap, nakukuha ko pang itanong kung ito ba talaga ang gusto ko mangyari. ayun na eh, ano pa hinihintay ko? totoo bang ito ang gusto ko? kasi ayoko magsisi pagkatapos. pero pano kung yun na nga yun at pinakawalan ko pa, di ba magsisisi din ako? ewan. takot lang ba ako? may tinatakasan? ewan.
sa tuwing ginagawa ko yun, tuwing pinapalampas ko ang pagkakataon, lagi namang tama ang desisyon. nalalaman ko paglipas ng panahon, na kung kinuha ko noon ang pagkakataon, hindi din magtatagal at malalagay ako sa sitwasyong walang pinagkaiba sa sitwasyon ko ngayon. pero kahit ganun kahit papaano naging masaya ako kung di ko pinalampas. tama, pero naging mas miserable din. tipong mas matinding saya at lungkot ang dulot ng pagkakataong yun. kaya kahit papaano, sa pananaw ko, pantay lang. walang dapat pagsisisihan. ganun nga ba? o sinasabi ko lang yun para wag sumama ang loob ko? di ko alam.
Tuesday, February 06, 2007
ikaw pa rin pala yun
sobrang gusto ko tong kantang to nung grade school pa ko. haay. grade school. lintik talaga o, naalala ko nung grade school bawat taon lagi akong may bagong crush, parang annual thing ba.
di ko alam kung bakit ko nagustuhan to, basta naalala ko, kinakanta ko lagi to sa utak ko nun. pupunta sa canteen, nag-aabang ng school bus, etc. tapos may japanese version pa. parang astig pa sa kin yun. pero syempre ang baduy kung titingnan mo ngayon. eh ano ngayon. aba, magagawa ko, kahit papaano, natuwa ako sa kantang ito.
by Ted Ito
Nang mawalay ka sa aking puso
Kung bakit hanap-hanap ka pa
Ang yong mukha'y laging
Lagi na lamang sa isipan ko
Bakit di magawa nitong damdamin
Ang paglimot sa mga nagdaan
Sadya nga bang ganyan
Pag nagmahal ay di matatakasan
Chorus:
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais kong mayakap kahit na sandali
Kung pangarap ma'y tatanggapin ko
Ikaw pa ring ang iniibig ko
Wednesday, January 31, 2007
Perwisyong Trapik!
kahapon, pauwi galing sa unibersidad sa diliman, mga bandang tanghaling tapat, naipit na naman sa trapik sa tapat ng Quezon City Hall. Mula nung sinimulan yung konstruksyon sa tapat ng city hall, lagi nang usad pagong ang takbo ng mga sasakyan. hanggang kailan ba naman yan!
at pagdating naman sa Kalayaan Avenue, anak ng tinapa, trapik na naman! may pulis na nga na nagsisilbing trapik enporser, buhol buhol pa din! may traysikel pang sumisingit sa gitna!
malas naman yung sasakyan na mukhang may sakay na kailangang dalhin sa ospital. busina sya ng busina, kumukutikutitap pa ang mga hazard lights. ngunit kahit ganoon, di pa din sya pinapasingit ng mga sasakyan. hinarangan pa ng traysikel. at nung nakalusot na sya, akala diretso na ospital ng walang problema. anak ng tinapa, obstacle course pala ang nadaanan. kasi trapik din pala pagdating sa may bandang Mcdo at Sulo Hotel. Tanaw mo na ang Heart Center, kaya lang, sangkatutak na busina muna bago ka makalagpas sa mga sasakyang walang pakialam kung may sakay kang nag-aagaw buhay. hay naku ewan. nakita ko din pala ang isang Akbayan representative sa may harap ng Alex Grill III, hawak ang kanyang cellphone, baka kinokontak ang sasakyang susundo sa kanya. ewan ko lang kung napansin nya yung sasakyan na nagmamadali makarating sa ospital.
at pano ko nakita ang lahat ng iyon? naglakad ako! mas mabilis pa maglakad kaysa sumakay sa sasakyan na naipit sa trapik.
Thursday, January 11, 2007
Tinamaan ng Lintik
Sino ba nagsabi ng "lightning strikes twice"?
Natawag ng dalawang beses sa dalwang klase sa isang araw. Lintik naman o. Di pa nga sigurado kung natawag talaga sa una, dahil ta-tanga-tanga na naman. Tumingin lang sa direksyon kung saan nakaupo, naisip na agad na tatawagin. Hala, sige tayo. May sagot ba na masasabi? Wala naman. Buti kahit papaano, may nasabi na di maituturing na walang bahid ng talino. Kahit papaano, ang sagot ay may kahulugan. Di nga lang nasapul ang inaasinta.
Tulog sa kalagitnaan ng dalawang klase, aral ng kaunti.
Ayun, natawag ulit, hirit pa, nakita din kita! Anak ng tipaklong naman o, kampante na ligtas na, parang may suot na agimat para di tablan ng bala. Buti na lang, buti na lang, may kampana ang eskwela. At sa pagtunog na ito ang katanungan na maituturing na musika sa tenga..."will you continue next meeting?" Aba, syempre.
At tulad ng aking laging sinasabi at pinapaniwalaan nung hayskul:
vivir esta noche, para morir maƱana
Thursday, December 28, 2006
Isang pagbabalik tanaw
may isang mag-aaral ang sumasagot sa tanong ng kanyang propesor
ang kasagutan ng estudyante ay nagwakas sa: "sir, i have read the assigned cases but i cant remember the names of the cases or which case...sir"
lumipas ang isang segundo, marahil mas maikli pa, nagtawag ng ibang mag-aaral ang propesor, at ang mag-aaral na ito ay tinamaan ng lintik
tanong ng propesor: "do you agree?"
estong: (nagulantang at litong-lito na marinig ang pangalan), "sir, i agree"
propesor: (napansin marahil na hindi handa ang mag-aaral), "you're agreeing with..."
estong: (sinusubukan na alalahanin kung anong nangyari sa nakaraang limang minuto at kung ano ang nangyayari sa paligid), "sir, i agree that she doesnt remember the name of the case...sir"
propesor: (napikon sa sagot ngunit sinubukan na magtimpi sa ubod ng bobo na mag-aaral), "do you think im stupid enough to ask that question?"
estong: (lalong gumulo ang utak at unti-unting namalayan ang ibig sabihin ng kanyang nakaraang mga sagot), "sir..um..i thought you were checking whether i was listening or not"
propesor: (patuloy na nagtitimpi) "why would i do that? why would i care whether you're listening or not"
estong: "umm.."
propesor: "i saw you last semester, waiting for your turn on your oral examination, you were wearing a hat..."
estong: "well, umm..."
propesor: "...or a cap. you were wearing a cap. would you like to wear your "thinking" cap on? would that make a difference?"
estong: "no sir"
propesor: pinagpatuloy na ang diskusyon, napansin na sayang lang ang oras na kausapin pa ang mag-aaral.
Ang aral sa nangyari: ewan. di ko naman maintindihan kung bakit nangyari yun. may mga araw lang talaga na kahit anong mangyari, sa-sablay at sa-sablay pa din. parang yung awitin ng sugarfree, hari ng sablay, di makasabay sa hangin ng buhay. kaya pasensya na lang, mabiling lang talaga mataranta.
Sunday, February 12, 2006
Sunog mga kapatid! Halabira!
Ewan ko sa inyo. Bakit ako? Meron naman siguro diyang iba na kaya siya. Ayokong maging "sacrificial lamb", di ako papayag sa "suicide mission" na yan hangga't may ibang paraan. Alam ko kung sino sya, alam ko ang magagawa nya at alam ko din ang magagawa ko. Sa ngayon, tingin ko di pa oras para kumilos. Mahirap sumingit at makialam kahit may plano dahil minsan mas malakas ang hatak ng tadhana at swerte. Kahit gaano ka kahanda, pag di pa oras, walang mangyayari at kung meron man, malamang hindi ayon sa binabalak. Mahirap, maraming bagay na nakataya. Kaya kong makipaglaro sa apoy kasi alam ko kung hanggang saan ko kaya lumapit, alam ko kung kailan ako mapapaso. Ibang bagay ang masunog. Pag nagsimula ka na masunog sa apoy, pwede kang lamunin nito ng buo o paunti-unti. Paunti-unti man o buo, parehong masakit. Mahirap nang bumangon, minsan baka nga hindi ka na makabangon pa. Tama lang matakot sa apoy, pero ibang tanong na ang pagkontrol sa apoy, lalo na yung tipo na nagliliyab.
Sa ngayon, napapaisip ako, hanggang saan nga ba ang kaya ko? Kaya ko na bang kumain ng apoy? Baka ako pa ang kainin nito, mahirap na, minsan nakakalimot ako mag-ingat. Iniisip ko, marunong din bang masaktan ang apoy? Kung nabuhusan ba ito ng tubig, pareho kaya ang sakit na nararamdaman nito kapag ito ay nakakapaso ng iba? Saka, di naman ako tubig, isa din akong apoy, di nga lang kasing init, di lang nagliliyab tulad niya. Hindi ko sinusunog ang nasa paligid ko, at hindi ko din sila pinapaso, kasi hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon makalapit. Kahit kaunting init, di nila mararamdaman, dahil may bakod ako na nakapaligid para siguradong tama lang ang layo nila, sapat para di nila malaman ang tinatagong anyo at pagkatao. Hindi naman talaga sikreto pero hindi din para sa kaalaman ng lahat ng tao. Pero kung apoy din ako, di ba ibig sabihin nun ay hindi ako masusunog? Di ko alam, di ko pa nasubukan makipag tagisan ng init sa isa pang apoy. Ang tingin ko, magiging isa ang dalawa, at pag nangyari yun, ang isa ang lalamon sa isa. Isang apoy lang ang maiiwan na nagbabaga, mawawala na ang pagkatao ng isa. Malamang ayoko na ako ang malamon. At ayaw ko din syang mawala. Ewan, mahirap. Kaya siguro mas tingin ko dapat lang magkaroon ng distansya.
Sa ngayon, may naisip akong paraan para makampante ang iba. Kung ano man iyon, sa akin na lang iyon. Malalaman na lang pag kinailangan ng isagawa. Hindi nila kailangan mangamba, pwede nilang kalimutan ang takot sa ngayon. Ako ay magbabantay na lang, siguraduhing wala syang masunog. Hindi ko sya susubukan gawing maamo, di bagay sa kanya. Sa ngayon, tatalasan ko na lang ang aking pakiramdam, bubuksan ang aking mga mata, upang makasigurado na wala syang magawang masama o anumang bagay na makakasira sa kanya.
Thursday, January 26, 2006
Is.Aw. ver 1.0
Sunday, January 22, 2006
Unang Hirit
Ngayon pa na marami akong kailangang gawin.
Ang ingay kasi ng aming kapitbahay, ngayong gabi, disco house at videoke.
Kaya't sorry na lang, kung wala sa aking sarili.
Pero di kita mahal, kasi di naman kita kilala.
Labo.
Pero maingay nga talaga ang aming kapitbahay ngayon, kaya gumawa ako ng blog
Para aking maalala ang gabing sila ay nag ingay at di ako makatulog!
Yun lang ba ang aking sasabihin? Yun na ba ang pinakadahilan ng lahat ng ito?
Maglalabas lang ba ako ng hinaing dahil sa kanilang kaingayan at sa perwisyong kanilang hatid?
Sa kanilang pagbulabog sa akin at ako ay kanilang pinigilang malasap ang isang masarap at malamig na gabi?
Madama ang natatanging lambot ng aking kama at unan na aking inaasam-asam pagkatapos ng nakakapagod na araw?
Marahil ang ingay nila ang nagtulak sa kin gawin ito, ngunit hindi ang perwisyo nila ang pinakadahilan ng lahat ng ito
Ano nga ba ang dahilan?
Upang maglabas ng saloobin? Magkwento? Magbahagi ng nilalaman ng aking isipan?
Aba ewan ko, yan ang sagot ko. Sabi nga ng isa sa aking mga law professors "I don't know, why don't you tell me?"
Ganda nya talaga...kaya lang bwisit sya. Pero ok lang, nakabuti din siguro sa kin ang ginawa nya, ang pagbaon sa kin ng buhay.
Ngayon di na ko takot mabaon, at natuto na ko bumangon, at natuto na din ako mag-ingat.
Haay, ang buhay nga naman.
May sarap na di mo maintindihan at may sakit na kailan man ay di ka lulubayan.
Kahit anong pilit timplahin ng mabuti ang lungkot at ligaya, laging sosobra at lagi din na magkukulang.
Ibig sabihin ba ay mas nakatuon sa paghalo at hindi sa hinahalo?
Kulit naman o, di ko nga alam!
Wag mo nang itanong sa akin. Di ko din naman sasabihin. kaya't huwag mo na.
Ang labo talaga. Ah basta. Nakakainis kasi ang ingay pa din ng kapitbahay ko.